Month: Enero 2019

May Malasakit

Halos may kinalaman sa mga nararanasang sakit at paghihirap ang mga isinulat kong libro. Pero kahit ganoon, nahihirapan pa rin akong unawain kung bakit iyon nangyayari. Marami sa bumabasa ng mga isinulat ko ang mga nagkuwento sa akin ng mga naranasan nila. Ikinuwento ng isang pastor na namamahala sa mga kabataan ang tungkol sa pinagdaanan ng kanyang pamilya. Nagkaroon daw ng…

Ipagkatiwala

Naglalaro ako ng basketball noong nasa kolehiyo ako. Pursigido ako na sundin at ipagkatiwala sa aming coach ang pagtuturo sa amin para maging maayos ang aming paglalaro.

Hindi makakabuti sa aming koponan kung magsasabi ako ng ganito: “Nandito na ako, coach. Gusto kong maglaro ng basketball pero ayaw kong gawin ang sinasabi mo na tumakbo nang paulit-ulit at dumipensa. Ayaw kong…

Nagbibigay-Buhay

Magkasama kaming naglalakad ng anak ko papunta sa eskuwelahan niya. Malamig at mahamog nang umagang iyon kaya naman natutuwa kami sa parang usok na lumalabas sa aming bibig kapag humihinga. Napakagandang alaala namin iyon ng anak ko. Nagpapasalamat ako sa panahong iyon at sa pakiramdam na masayang mabuhay.

Sa pagkatuwa namin na makita ang aming hininga na parang usok, naisip ko…

Ipakita sa Iba

Noong Marso 1974, may ilang taga China na magbubukid ang naghuhukay para magkaroon sila ng balon. Pero sa halip na tubig ang matagpuan, mga hinulmang putik na anyong sundalo, karwahe at kabayo ang nahukay nila. Napakarami ang nahukay nila at kilala ito ngayon sa tawag na Terracotta Army. Naging sikat ang Terracotta Army at taun-taon mahigit isang milyong katao ang pumupunta…

Impluwensiya

Ilang taon na ang nakalipas nang kumain kaming magasawa sa isang kainan sa England at may mga nakilala kami sa lugar na iyon. Pagkatapos kumain, nagkuwentuhan kami habang nagkakape. Tinanong namin ang isa’t isa kung ano ang aming mga trabaho. Nang mga panahong iyon, presidente ako ng Moody Bible Institute sa Chicago sa bansang Amerika.

Inaasahan kong hindi nila alam ang…

Bagong Buhay

Sobrang nasaktan ang batang si Ravi sa sinabi ng kanyang ama. Sinabi nito kay Ravi, “Wala kang silbi, kahihiyan ka lang sa pamilya.” Kaya, kahit naging matagumpay siya sa sports, pakiramdam niya ay wala pa rin siyang silbi at isa pa ring talunan. Iniisip ni Ravi kung totoo ba siyang talunan. Iniisip niya din kung mamatay na lang kaya siya sa…

Lugar ng Pagpapala

Para sa pintor na si Henri Matisse, ang mga ginawa niya daw sa mga nalalabing taon ng kanyang buhay ang tunay na nagpapahayag ng kanyang pagkatao. Nang mga panahong iyon sinubukan niyang gumawa ng bagong paraan ng pagpipinta pero hindi sa pamamagitan ng pintura, sa halip sa mga ginunting na papel na may iba’t ibang kulay. Mahalaga ito kay Henri dahil…

Mawawalan

Nang maikasal na kaming mag-asawa, tumira kami sa bansa ng asawa ko. Iniisip ko na limang taon lang ako mamamalagi dito. Pero hindi ko sukat akalain na nandito pa rin ako pagkalipas ng halos 20 taon. May pagkakataon na parang nawawala na ang mga dati kong nakasanayang buhay. Malayo kasi ako sa aking pamilya at kaibigan. Ibang-iba na ang buhay ko…

Tumatag

Isipin natin ang mundo na walang hangin. Malamang kalmado lagi ang dagat. Wala ding nakakalat na mga tuyong dahon sa paligid. At sino naman kaya ang magiisip na mabubuwal ang malaking puno kung walang malakas na hangin? Pero iyon ang nangyari sa mga puno sa isang lugar na tinatawag na Biosphere 2 kahit hindi naman umiihip nang malakas ang hangin doon.…